I was sifting through some documents in my uber messy drawer this morning when I came across a Filipino short story which I wrote during my freshman year in college (if I'm not mistaken). I actually remember writing features, poems and short stories in Filipino as far back as when I was in Grade 4. For some reason, I seemed to have stopped writing in Filipino and honestly, I'm not sure anymore if I could do so. I don't think this short story of mine was one of my best works, but it's nice to bring back writing in one's native language.
Ang Tiyo Andoy Ko
Kay bait talaga sa ‘kin ng Tiyo Andoy ko! Ngayong umaga lang, nang bumisita siya sa amin ay nagdala siya ng pasalubong para sa akin! Pagpasok sa aking kwarto, nakita kong isang napakagandang barbie doll ang hawak-hawak niya.
“Para sa akin, Tiyo Andoy?”
“Siyempre para sa iyo lang ‘yan! Alam mo naming ikaw ang paborito kong pamangkin,” tugon ng Tiyo sabay bigay sa akin ng manika.
Agad kong hinaplos ang manika. Niyakap ko siyang parang sarili kong sanggol at sinuklay ko ang kanyang mahaba at malasutlang buhok.
“Ang kaibahan ng manikang iyan sa iba pang mga manikang ibinigay ko sa iyo ay puwede mo iyang hubaran at palitan ng damit,” dagdag pa ng aking tiyuhin.
Ipinakita niya sa akin ang iba pang magagarang kasuotan ng aking barbie. Tinulungan niya akong hubaran ang aking barbie at bihisan muli ng ibang damit. Sa bawat pagpalit ng kasuotan ay hinahaplos naming dalawa ang kagandahan ng mga kurba sa katawan ni Barbie.
Napadalas na ang pagbisita ni Tiyo Andoy sapagkat kinailangan ni Inay na magtrabaho pati sa gabi at ito naman ay aking ikinatuwa. Tinutulungan ako ni Tiyo na gawin ang aking mga assignment. Nauudyok akong mag-aral nang mabuti dahil sa bawat tama kong sagot ay ginagantimpalaan ako ng kendi o tsokoleyt o di kaya’y isa pang manika kung napakahirap ng tanong.
Isang gabi ay tinutulungan akong mag-aral ni Tiyo Andoy para sa eksam ko kinabukasan. Math pa man din ang aking eksam bukas, e dito ako pinakanahihirapan! Ilang katanungan na ni Tiyo ang hindi ko nasasagot at parang nag-iiba ang hitsura ng mukha niya. Ang dating nakangiti parati ay nakasimangot na ngayon.
“Akala ko ba’y matalino kang bata? Kay simple ng tanong e di mo masagutan?”
“E…gi…gi…ginaga…wa ko naman po ang a…a…king ma…ma…ka…kaya e,” tugon kong takot na takot. Hindi ko napansing ako pala ay lumuluha na.
“Ay siya, siya sige! Tumahan ka na at umupo ka na lang sa aking kandungan at tuturuan pa kita lalo.”
Guminhawa ang aking loob nang napansin kong hindi na siya galit. Kumandong ako kay Tiyo at inulit, “Talaga po? Tuturuan niyo pa ako?”
“
At sa kanyang tugon na iyon ay sumikip ang aking paghinga. Unang beses ko pa lang na umupo sa kandungan ng aking Tiyo. “Napakalapit pala n gaming mga katawan kung nakakandong ako sa kanya,” inisip ko sa sarili.
Nagsusulat ako’t nagsasagot ng mga equation sa Math nang hawakan ni Tiyo ang kamay kong may hawak na lapis. Pampaganda pa lalo ng penmanship, ika niya. Kinabahan ako ngunit hindi ko alam ang kadahilanan. Dumilim ang aking paligid at hindi ko na mabasa ang aking sinasagutan. Naramdaman kong lalong nagkadikit an gaming katawan at lalong hindi na ako makahinga. Napansin ko ang mga kurba sa katawan ng aking Barbie. Ngunit hindi na naman kami naglalaro, ‘di ba? Tinuturuan pa ako…
Ang dilim ng kuwarto…wala na akong makita. Wala na akong masagutan sa aking Math…
May kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. Nang buksan ni Ina yang pintuan ay biglang lumiwanag ang buong silid. Nakito ko na lang na nahulog ni Inay ang hawak-hawak niyang tasa at nabasag ito.
4 comments:
intense. post more of your works. :)
Thanks, P! Unfortunately, most of the stuff I wrote in Filipino were lost when the hard drive of my old computer crashed. :( I was able to keep hard copies of some (including the one above), but most of them are gone. Besides, I honestly feel they are so amateur-ish and are meant for personal consumption only. Hehe.
Mahusay na pagkakasulat. Andoy
Maraming salamat, HenryV!
Post a Comment